Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
9:00 a.m. — Lyceum vs. JRU (jrs)
10:45 a.m. — St. Benilde vs. San Beda (jrs)
12:30 p.m. — Arellano vs. Mapua (jrs)
2:15 p.m. — Letran vs. San Sebastian (jrs)
4:00 p.m. — EAC vs. Perpetual (jrs)

Bago ang game kahapon, isa lang ang gustong makuha ng Mapua: Lumaro sa Final Four.

Pagkatapos makuha ang pahirapang panalo kontra College of Saint Benilde Blazers 69-59 sa The Arena sa San Juan, mission accomplished ang Cardinals ni Coach Atoy Co.

Nakasiguro na ang Mapua ng puwesto sa Final Four ng 92nd NCAA men’s basketball.

Nahirapan ang Cardinals bago nila nakuha ang pang-11 panalo sa 16 na laro, sa dulo ng fourth quarter sila kumalas para saluhan sa third spot ang Perpetual Help Altas.

Wala pa rin panalo sa 16 na salang ang Blazers na naglaro ng pisikal.

Bumira si reigning rookie-MVP Allwell Oraeme ng 16 points at 19 rebounds para sa Mapua na may pag-asa rin sa twice-to-beat advantage sakaling manalo sa huling dalawang laro.

Kapit ng Arellano University Chiefs (13-3) ang top spot kasunod ang last year’s runner-up San Beda Red Lions (12-4).

Makakakuha ng twice-to-beat ang top two teams pagkatapos ng elimination round.

“We just want to be in the Final Four, that’s our goal today,” wika ni 20-year-old Oraeme na nangu­nguna sa MVP race.

Nagtuloy din ang magandang laro ni Joseph Erio­bu, kumana ng 13 points kasama ang clutch baskets sa dulo.

Pursigidong makuha ng Blazers ang unang panalo kaya hinigpitan nila ang pagbabantay kay ­Oraeme.

Hindi makaporma sa una ang 6-foot-9 Nigerian Orae kaya lumamang ang Blazers ng walo, 37-29, sa basket ni Yankie sa pagbubukas ng third canto.

Tumipa si Haruna ng 11 puntos para sa CSB.