Dear Dra Holmes:
I am Rebecca Santos (not my real name). Last week I caught my husband with my maid. He was sitting at the back of my housemaid, his chest is on her back because they are watching a video on the cellphone of my maid. I was so uncomfortable, nagalit naman ako sa kanya nang sobra sobra. This is not the first time for him to do this. I forgive but I cannot forget.
I am a born again po. Is that bad?
– Rebecca Santos
Dear Ms Santos:
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish kahapon, Sabado, Pebrero 23. Inumpisahan kong sagutin ang iyong mga tanong. Sabi ko na, dahil hindi ito unang beses na ginawa niya, palagay ko ay hindi siya magbabago. At hindi lang hindi masama, pero Mabuti na hindi ka makalimot sa kaniyang ginawa.
Ang pagkasintu-sinto (dementia) ay isang kondisyon na madalas mangyari sa matatandang tao. Kung may pagkasintu-sinto ka (an Alzheimers ay isang klaseng dementia)marami kang hindi na matandaan. Wala ka namang dementia, MS Santos, so siguradong matatandaan mo ang mga ginawa niya.
Kaya huwag mong parusahan ang sarili mo dahil di mo makalimutan ang mga ginawa niya. AT… kahit hindi ako eksperto sa born again na rehiliyon, nakakasigurado ako na hindi kasalanan ang maging normal na tao na hindi makalimot sa mga nangyari sa kaniya, lalo na ang masasakit na nangyari.
At Mabuti na hindi mo kalimutan ito, para mapapakinggan mo ang sarili mo kung sobra na talaga ang ginagawa niya at mas mabuting iwanan mo na siya, kaysa masaktan na masaktan buong buhay mo.
At sana… hindi mo isipin na ang yabang kong magpayo na iwanan mo siya na hindi iniisip na mahirap gawin ito. Sa susunod na Sabado, mayroong nagsulat sa akin na ang sagot tungkol sa pag-iiwan ay patok rin sa (baka) sitwasyon mo. SO… hanggang sa susunod na Sabado, dearest Rebecca, ingat ka sana lagi — MG Holmes
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/ drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.