Dear Dra Holmes:
I am Rebecca Santos (not my real name). Last wk I caught my husband with my maid. He was sitting at the back of my housemaid, his chest is on her back because they are watching a video on the cellphone of my maid. I was so uncomfortable, nagalit naman ako sa kanya ng sobra-sobra. This is not the first time for him to do this. I forgive but I cannot forget.
I am a Born Again po. Is that bad? Rebecca Santos
Dear Mrs. Santos:
Maraming salamat sa sulat mo. Hindi ko po alam ang sagot sa tanong ninyo, tungkol sa kasamaan ba ng ‘di pagpapatawad sa asawa, lalo na po dahil hindi ako Born Again. Ang iba’t ibang mga rehiliyon kasi ay may maraming mga patakaran na malamang alam lamang ng isang seryosong miyembro ng relihiyon na ito.
Tungkol sa kaso mo, Mrs. Santos, ang alam ko lang ay ang mga resulta ng mga pananaliksik tungkol sa mga isyu na kaugnay sa sulat mo:
1. Hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito. Kadalasan, kapag hindi tumigil sa unang beses ang pagiging babaero pagkatapos na siyang kasal, mauulit at mauulit pa rin ito. Katulad po ng asawa ninyo. Mayroon ba kayong magagawa tungkol sa kaniyang madalas na pambabae?
2. Masamaba ang ‘di magpatawad? Depende po ‘yan sa inyong relihiyon. Pero ang isyu naman po ninyo ay hindi sa pagpapatawad, pero sa pagkakalimot. Masama bang hindi makalimot?
Ang kadalasan kong sagot rito ay minsan, mas masama ang implikasyon nang nakakalimot kaysa sa hindi nakakalimot.
Ang pagkalimot ng isang mahalagang bagay sa buhay mo ay maaaring symptoms ng early onset alzheimer’s. To be continued…
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.