Isang mister ang nasawi nang barilin ito habang natutulog katabi ang kanyang asawa at mga anak sa Calamba, Laguna sa gitna ng umiiral na ECQ.
Ayon sa pulisya, mga tama sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Victor Manaig Garcia na idineklarang dead on arrival sa ospital sa Calamba City.
Batay sa report ng Calamba City police, alas 2:10 ng Miyerkules ng madaling araw nang pasukin ng dalawang hindi nakilalang suspek ang bahay ng biktima sa Barangay Lawa at saka pinagbabaril habang ito ay natutulog katabi ang kanyang misis at mga anak.
Matapos maisawaga ang pakay ay mabilis nang tumakas ang mga salarin.
Masusi ngayong inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pagpaslang. (Ronilo Dagos)