Mister dinedma sa sex, nag-suicide

MISTER DINEDMA SA SEX, NAG-SUICIDE

Isang miyembro ng Philippine Navy (PN) ang sinasabing nagpakamatay matapos itong tanggihan ng kanyang kinakasama na makipagtalik sa kanya kahapon nang umaga sa loob ng kanilang kuwarto sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng Manila Police District -homicide section ang biktimang si Cpl. Michael Arceo y Dizon, 26, miyembro ng Philippine Navy at taga-1774 Malabon St., Brgy. 338, Sta Cruz, Maynila.
Sa imbestigasyon naganap umano ang insidente alas-3:20 nang madaling-araw.

Ayon kay Sushmita Tayo, ka-live in ng biktima, nakita umano niya na nililinis ng biktima ang kanyang baril.
Ilang minuto pa ay bumaba na siya para asikasuhin ang mga customer sa kanilang bar na SMC Videoke Bar at makalipas ang ilang minuto ay may narinig siyang putok mula sa kanilang kuwarto.

Pag-akyat ay nakita ang biktima na nakahandusay sa sahig.

Kaagad umano siyang humingi ng tulong at dinala ang biktima sa University of Santo Tomas Hospital subalit idineklara itong patay dakong alas-4:17 nang madaling-araw.

Sa imbestigasyon, sinabi ni PO2 Julius De La Cruz, ng MPD-HS lumabas sa imbestigasyon na hindi aksidenteng nabaril ng biktima ang sarili habang naglilinis ng baril na unang lumabas sa imbestigasyon.
Inamin umano ni Tayo na nag-away sila ng biktima dahil tumanggi umano itong makipagtalik dahil ayaw niyang mabuntis.

Dito na umano nagbanta ang biktima na magpapakamatay kung saan inilabas nito ang baril pero ilang beses siyang inawat ni Tayo hanggang magawa nitong ilagay ang baril sa kanyang bunganga at kinalabit.

Patuloy namang iniimbestigahan ng MPD-HS ang kaso para alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.