Sinilaban ng isang lalaki ang sarili nito na nagresulta sa pagkatupok ng bahay nito at dalawa pang kapitbahay sa Cebu City, makaraan umanong iwanan ng kanyang misis.
Hindi na halos makilala ang natustang katawan ni Alexander Sanchez, 51, ng Purok 8, Brgy. Kamputhaw ng nasabing siyudad nang makuha ito ng mga bombero dakong alas-9:45 nang umaga kahapon.
Sa isang panayam sinabi ng pamangkin ni Sanchez na si Alecitas Suwabong, na narinig nito ang tiyuhin na nagbantang susunugin ang kanilang bahay matapos itong iwan ng kanyang asawa.
Magsasagawa naman ng pagsusuri ang mga fire investigator upang malaman ang pinagsimulan ng apoy na tumupok sa tinatayang P80,000 ng ari-arian.