Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala

PART 12

Naniniwala rin ang hukuman na sadyang sinugatan ng akusado ang kanyang sarili upang gamitin ito bilang depensa sa kanyang sarili lalu na’t nasaksihan pa mismo ng mga testigo ang kanyang ginawang pagsaksak sa sarili.

Hindi naman nawalan ng pag-asa ang abogado ng akusado at kaagad na umapela sa Court of Appeals (CA) Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala sa paniwalang nagkamali ang mababang hukuman sa ibinabang hatol laban kay Manuel.

Gayunman, noong Hunyo 28, 2013, naglabas ng desisyon ang Appellate Court sa pamamagitan ni Associate Justice Pamela Ann Abella Maxino na sinangayunan din nina Associate Justices Edgardo Delos Santos at Maria Elisa Sempio Diy na kumakatig sa naging hatol ng mababang hukuman.

Bukod sa P100,000.00 civil indemnity at moral damages, pinagbabayad din ng mga mahistrado ng Court of Appeals si Manuel ng karagdagang P25,000.

Bilang temperate dam- ages at P30,000 bilang exemplary damages na may kaukulang interes na anim na porsiyento kada taon hanggang sa tuluyang mabayaran ang kabuuan.

Ayon sa mga mahistrado ng CA, ang lahat ng elemento sa kasong parricide ay tumutugon sa naturang usapin at bagama’t hindi aktuwal na nasaksihan ni Gng. Angeles ang ginawang pananaksak ng akusado sa kanyang asawang si Auria, nakapagprisinta naman ng sapat na ebidensiya ang tagausig upang suportahan ang ipinataw na hatol.

Sa pananaw ng mga mahistrado, ang kasong inihain ng tagausig ay lalu pang lumakas sa ginawang pag-amin ni Manuel na siya nga ang sumaksak sa kanyang asawa. Bukod dito, ang kanyang ginawang krimen ay hindi saklaw ng umiiral na batas sa ilalim ng Kodigo Penal na nagpapawalang sala sa akusadong nakapatay ng hindi sinasadya.