Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala

Part 6

Kaagad namang nagsagawa ng pag-TUGIS ang mga kagawad ng Tacloban City Police laban kay Manuel matapos ang ginawang krimen.

Hindi naman nahirapan ang mga kagawad ng pulisya sa pag-TUGIS kay Manuel makaraang tumawag ang security guard ng Eastern Visayas Regional Medical Center­ (EVRMC) sa pulisya kaugnay sa insidente ng pananaksak kung saan nagpagamot ng kanyang sugat ang akusado.

Kabilang kasi sa panuntunang ipinaiiral sa ilalim ng batas ang pagpapabatid ng pampubliko o pribadong paga­mutan na ipaalam sa pulisya kung may isinugod o nagtungo sa kanilang sugatang pasyen­te na biktima o sangkot sa anumang uri ng karahasan.

Matapos madakip si Manuel, isinailalim siya sa inquest proceeding­ dahil sa positibong pagkilala sa kanya ni Gng. Angeles, anak na si Arvin at kaibigang si Erwin na siyang sumaksak sa kanyang asawang si Auria.