Dahil umano sa pambabae, isang mister ang pinutulan ng ari ng sariling misis sa Carles, Iloilo.
Base sa report ng Carles Police, mahimbing na natutluog ang biktimang itinago sa pangalang ‘Jay’, 32, residente ng Brgy. Bancal, nang samantalahin ng misis nitong itinago naman sa pangalang ‘Lily’ ang pagkakataon para gantihan ang mister.
Habang kasarapan ng tulog ng lasing na mister, ginunting umano ni misis ang ari nito hanggang sa tuluyang maputol.
Isinugod ng mga kapitbahay ang biktima sa Western Visayas Medical Center, pero hindi na nahanap ang naputol na ari ng mister dahil itinapon ito ni misis.
Nang tanungin ang ginang, sinabi nito na hindi na niya maalala kung saan nito naihagis ang kaputol ng ari ng kanyang mister.
Hindi pa malaman ng pulisya kung magsasampa ng kaso ang mister laban sa kanyang asawa.