Marahil marami sa atin ang nakakapansin ng tila minamalas, laging nalilito, napupurnada ang lakad o kasunduan at nakakaranas ng kabiguan sa mga plano o inaasam na hakbang sa mga panahong ito.

Posibleng biktima kayo ng Mercury Retrograde, ang sinasabing paatras na ikot sa kanyang orbit ng planetang Mercury paikot sa araw. Bagaman, ito ay itinuturing na ilusyon lamang na ating nakikita sa kalawakan dahil hindi naman talaga paatras ang mosyon ng Mercury.

Sa larangan ng Metaphysics at Astrolohiya, sa ganitong panahon ng Mercury Retrograde ay maraming plano ang sumesemplang, dahil hindi maganda ang epekto ng enerhiya sa ating pang-araw-araw na buhay.

Kung kaya’t ang laging payo ng mga Astrolo­gist ay ‘wag munang pumasok sa anumang kontrata, bumiyahe, at mas habaan ang pasensya dahil magagalitin din ang mga tao ngayon.

Ngunit, ang epekto ng Mercury Retrograde ay magkakaiba sa bawat isa sa 12 zodiac signs:
Aquarius – iwasan ang away-kaibigan;
Pisces – pairalin ang creativity;
Aries – asahan na mabigo, ‘wag padalos-dalos;
Taurus – mag-ingat sa gastusin;
Gemini – iwasan ang miscommunication;
Cancer – asahan ang mara­ming gawaing bahay;
Leo – ‘wag munang mamuhunan, bumili o magbenta;
Virgo – mag-ingat sa inyong trabaho;
Libra – mag-ingat sa mga biglang desisyon at tignan ang inyong limitasyon lalo na sa pera;
Scorpio – ‘wag pairalin ang emosyon, gamitin ang common sense;
Sagi­ttarius – iwasan munang bumiyahe, ayusin ang big­lang gusot;
Capricorn – iwasang bumili, magbenta o umupa ng bahay o anumang ari-arian.

Ilan lang yan sa mga direktang masamang epek­to ng Mercury Retrogade mula Nobyembre 17 hanggang Disyembre 6, 2018. Kung kaya’t ang advise natin sa lahat, palagpasin muna natin ang panahong ito bago tayo magkaroon ng mala­laking desisyon.

Kapansin-pansin din ngayon ang malakas na psychic ability kung kaya’t marami ang sensitibo sa mga enerhiya habang ang iba ay nakikita ang iba’t ibang nilalang mula sa kabilang dimensiyon – kaluluwa o elemento man yan, habang ang iba ay mga ekstra-terestriyal. Mahalaga pa rin sa lahat sa panahong ito ang taimtim na pagdarasal at pana­nalig sa Poong Lumikha.

Para sa inyong mga katanungan at suhestiyon, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Namaste.