Problemado si Foton coach Moro Branislav sa ­simula ng final round ng Belo Philippine Superliga ­Invitational Conference sa Huwebes sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Ang Tornadoes ang unang babangga sa mahiwagang Kobe Shinwa Women’s University, bukod sa wala siyang idea kung paano sila lumaban ay hindi pa makakalaro ang kanyang star spiker na si Dindin ­Santiago-Manabat.

“This is a very big problem for Foton,” hayag ng Serbian coach. “Although I know that this Japanese team from Kobe is very good, I have no idea on how it plays. Let’s see what will happen. We will do our best to beat them.”

Bukod sa Foton at Kobe Shinwa, kasama sa single-round robin ang top seed sa preliminary na Petron at No. 2 Cignal.

Nakatakdang dumating ngayong araw ang ­Japanese squad para pumalo sa club tourney na suportado ng Asics, Mikasa, Senoh, Mueller at official broadcast partner TV5.

Nagkaroon si Manabat ng grade 2 MCL sprain at partial ACL tear sa kanilang marathon match kontra Sta. Lucia at out na sa conference.

Parehong bigo sina coaches Shaq Delos Santos ng Petron at George Pascua ng Cignal sa pagkalap ng ­impormasyon kung paano lumaro ang Kobe Shinwa.

“All I know is that it plays Japanese brand of ­volleyball to perfection,” ani Pascua. “Other than that, we have no idea on how it plays.

We tried looking for any available videos online, but we can’t get anything. I guess we’ll just work on the scouting when they ­arrive here on Tuesday.”