Misting malaking bagay sa kampanya vs COVID- solon

Ikinagalak ng isang opisyal ng Kamara ang paglilinaw ng Department of Health (DOH) sa initalag nitong pamantayan kaugnay ng “misting” o pagsasaboy ng disinfectant sa mga kalye at eskenita upang puksain ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Ayon kay House Deputy Speaker at Laguna 1st district Rep. Dan Fernandez, mahalaga ang misting operations upang mapanaliti ang kalinisan sa mga lansangan sa likod ng banta ng nakamamatay na coronavirus disease.

“It is very important for us to sustain the sanitation efforts that would help to slow down, if not stop the spread of the virus,” wika ni Fernandez.

Pinasalamatan ni Fernandez ang pamunuan ng DOH matapos dinggin ang panawagan ng mga lokal na opisyal sa iba’t ibang sulok ng bansa na huwag ipagbawal ang pag spray ng disinfectant gamit ang misting machine dahil kung hindi man nito tuluyang masugpo ang COVID-19 virus ay maari naman pabagalin ang pagkalat ng nasabing sakit.

“We are grateful to the DOH for listening to the call of the people as we continue to utilize all of the resources available to combat COVID-19,” saad ni Fernandez.

Nilinaw kamakailan ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaari pa ring ituloy ang mga localize misting operations subalit dapat ay nakasuot ng protective personal equipment (PPE) ang nagsasagawa nito.

“We wish to clarify our recent claims, which is based on the World Health Organization, that misting and spraying is harmful and won’t protect people from COVID-19,” wiki ni Vergeire

“We can resort to spraying or misting if we don’t have any other means. There should also be extra precautions when it is done in a closed space and must be administered by someone who wears appropriate personal protective equipment or PPEs,” dagdag pa ng opsiyal.

Binalaan naman ni Vergeire ang mga LGUs laban sa direct spraying or misting sa mga tao dahil posibleng magdala ito ng samu’t saring sakit sa balat at baga dahil sa matapang na kemikal na ginamit dito. (JC Cahinhinan)