Misting Tent ni Angel ‘di tsugi sa DOH

NI: RONA RONDA

Itinanggi ng Department of Health na ipinagbawal nilang gamitin ang donasyong misting tent ng aktres na si Angel Locsin.May mga ulat kasi na kumalat na kinailangan tanggalin umano ang tent mula sa Philippine General Hospital (PGH) dahil delikado raw sa kalusugan.

Ayon kasi sa DOH, hindi umano epektibo ang misting sa paglaban ng COVID-19. Mayroon kasing ilang report na nagdudulot ng asthma at dermatitis ang paggamit nito.

Pero nilinaw Health ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sumunod si Angel sa mga pamantayan at protocol ng DOH, ‘pagdating sa mga dino-donate nitong produkto, equipment o supplies.

“Dahil diyan po, nagpapasalamat po kami sa lahat po ng mga nagbibigay at nagdodonate. Miss Angel Locsin, thank you very much po. Mabuhay po kayo,” ani Vergeire.

Ang Misting tent na dinonate ng aktres ay mula sa kanyang fundraising initiative na #UniTentWeStandPH. Nakalikom siya ng halos P10,956,702.98 sa tulong na rin nina Neil Arce, Dimples Romana, Marev Matic, at Gines Sarangaya.