Misuari inarbor ni Digong

Mistulang inarbor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kamay ng pulis at militar si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari.

Ito ay matapos na manawagan si Pangulong Duterte sa mga sundalo at pulis na huwag galawin at pabayaan na lamang si Misuari sakaling lumabas ito sa kanyang lungga sa Jolo, Sulu.

“My advice to you guys, the Army and the police and everybody is that let him be, let him be. Si Nur… I would not say sick, I hope he is well, but matanda na ‘yan, hindi na ‘yan tatakbo. And the last thing that I would want is really is, God forbid, huwag sana, na kung may mangyari sa kanya nasa custody natin.

So there’s nobody of significance in that area who has the pre-eminence like Nur Misuari,” bahagi ng talumpat­i ni Pangulong Duterte sa ika-10 taon na anibersaryo ng Eastern Mindana­o Command kung saan ito tumayong guest speaker noong Biyernes ng gabi.

Kumpiyansa rin si Duterte na walang ibang kinikilala sa nasabing lugar kundi si Misuari kaya mahalagang mapanatili ang kanyang maayo­s na kondisyon habang umuusad ang peace process, dahil kung may mangyari aniyang masama kay Misuari habang hawak ng gobyerno ay “kiss goodbye” na umano sa kapayapaan, partikular sa Bangsamoro (Murad-MILF) at Bangsatausug (Misuari-MNLF).

Si Misuari ay nagtag­o kasunod ng nangyaring­ pag-atake ng kanyang grupo sa Zamboanga City noong Setyembre 2013.