Kailangang magpakitang gilas si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari upang makuha ang simpatiya ng taumbayan matapos bigyan ito ng pagkakataon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong muli ng kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, ngayong binigyan muli ng pagkakataon si Misuari, kailangang maipakita nito ang kanyang sinseridad hindi lamang sa pagtulong para magkaroon na ng ganap na kapayapaan sa Mindanao kundi sa kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga.

“Malaki ang tulong ni Nur Misuari sa peace process dahil mapapasunod pa nito ang kanyang mga followers sa tigil putukan. Kung panagutin niya sa batas ang mga nasa hanay nila na lumalabag sa batas tulad ng droga, maipapakita niya ang sincerity sa peace process,” ayon kay Biazon.

Kinatigan naman ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang hakbang ni Duterte na isama­ si Misuari sa peace talks dahil hindi dapat ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) lamang ang dapat kausapin kundi pati MNLF at mga Lumad sa Mindanao.

“Dapat lang naman talaga na isama ang MNLF sa peace process pero kailangang magtulungan ang MNLF at MILF sa pagbuo ng Bangsamoro base sa 1996 peace agreement sa MNLF at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa MILF,” ani Alejano.

Kailangan aniyang bilisan ito lalo na’t hanggang 2022 lamang si Pangulong Duterte sa kapangyarihan upang makamit­ na nang tuluyan ang kapayapaan sa ­Mindanao ­dahil sa rebelyon.

Si Misuari ay binigyan ng access pass matapos suspendehin ang kanyang warrant of arrest kaugnay ng Zamboanga City siege noong 2013 nang mag-alburuto ang kanyang mga tauhan at tangkaing i-take-over ang nasabing lungsod.

Samantala, sinabi naman ni Senador Panfilo­ Lacson na bagama’t mala­king tulong si Misuari sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa, hindi maaaring kalimutan na lamang ang mga naging kasalanan nito.

Ayon sa senador, sa ngalan ng hustisya ay dapat pa ring litisin at panagutin si Misuari sa nangyaring gulo na ­Mindanao partikular ang nangyaring Zamboanga siege.

31 Responses

  1. Ano pa ba ang mga dapat patunayan ni NUr sa Gobyerno? Napatunayan na niya na hindi siya kayang hulihin. Napatunayan na niya na kaya niyang guluhin ang bayan tulad sa Zamboanga ng hindi mahuhuli. Napatunayan na rin niyang kaya nyang iligtas ang mga ka-Brod nyang mga ASG sa oras ng kagipitan kapag malapit na masukol ng mga sundalo tulad sa Patikul. Dapat kayo naman mga Lider, patunayan ninyo sa mga Pilipino na kaya ninyong masukol ang mga rebelde at patunayan ninyong hindi ninyo niloloko lang ang mga Pilipino.

    1. Si walter nag salita ng napakabaho ng bunganga… sana nag toothbrush ka muna ng medyo walang amoy… may patunay kaba o news na maipakita pls share. hwag puro paratang.

  2. Pakalipas ng ilang taon na pagtatago, andito nagpakita na si misuari! it means pursigido na talaga silang makipagusap sa gobyerno para sa kapayapaan sa mindanao