Misyon ni Sisi UAAP finals

Misyon ni Sisi UAAP finals

Mas determinado ngayon si Sto. Tomas graduating outside hitter Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina na makapasok sa Finals ng UAAP season 81 women’s volleyball tournament, lalo’t nasa panig nila ang twice-to-beat bonus sa semifinals sa Linggo, Mayo 5.

Pero bukod sa pasabog niyang 29 points noong Miyerkoles kontra three-time defending champions La Salle Lady Spikers, napahanga rin ang veteran volleybelle sa pinamalas na performance at tapang ng kakuwadra niyang rookies.­

“Nandoon talaga ang willingness nila na manalo. Lalong-lalo na si (Ejiya) Eya (Laure), na nandiyan din talaga para tumulong,” kwento ni Rondina. “We got each other’s back.”

Para pa kay Rondina na namamayagpag sa MVP race ngayong taon, todo gabay siya sa kanyang koponan para manatiling pokus sa kanilang goal.

Lalo pang pahahala­gahaan ng fifth year spiker ang pinaghirapan nilang twice-to-beat advantage papasok sa Final Four.

“Aalagaan namin ‘yung pagkakataon na ‘yun and sabi ko nga ako na ‘yung magli-lead sa teammates ko, lahat gagawin ko maitaas lang namin ‘yung team. Alam ko naman nandiyan lahat sila.” panapos ng 5-foot-6, 22-year-old Cebuana. (Janiel Abby Toralba)