Mitchell napansin ang Spider-man PBA intruder

Mitchell napansin ang Spider-man PBA intruder

Pati ang atensiyon ni Utah Jazz third-year guard Donovan Mitchell, napukaw na rin sa kalokohan ng ‘Spider-Man’ intruder na umeksena sa Game 5 ng PBA Philippine Cup Finals.

Ni-retweet ni Mitchell ang video na ipinoste ng Ballislife.com via ESPN5, nilagyan niya ng komentong ‘Real one’ at emoji ng spider.

Sa 2-minute video, kita ang lalaki na nagtatakbo sa court 3 minutes pa sa bakbakan ng Magnolia Pambansang Manok at San Miguel Beer nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Head-to-toe ang costume n Spider-Man ng lalaki, na-knockdown niya pa si San Miguel big man June Mar Fajardo nang mabunggo sa panga.

Sa taas na 6-foot-3, mataas tumalon si Mitchell at naging slam dunk king na noong 2018.

Bata pa raw si Mitchell, tinawag siyang ‘Spida’ ng ama ng isang teammate. Naging nickname na ‘yun hangga ngayon ng 22-anyos na guard.

Noong isang taon, bumisita sa Manila si Mitchell para sa isang basketball camp at naging panelist pa sa laro ng Ginebra at Magnolia sa Commissioner’s Cup.

Ilang araw pa lang ang nakakaraan, ipinakita ang unang signature shoes ni Mitchell sa adidas, ang adidas DON (Determination Over Negativity) issue #1.

Kulay red at blue spandex ang shoes, tulad ng costume Marvel character. Binigyan ni Mitchell ng pares ng bago niyang signature shoes si Tom Holland, gumanap na Spider-Man sa pinakahuling movie ng Marvel Cinematic Universe na Spider-Man: Far from Home.

Teka lang. Eh ang lalaking naka-Spider-Man costume na nambulabog sa PBA Finals game?
Kaso ang naghihintay sa kanya. (Vladi Eduarte)