Naelya na naman kay MJ Lastimosa ang mga nagpapantas­ya sa kanya.

May bago siyang paandar sa kanyang super hot bikini shot sa isang resort island sa Maldives. Siguradong pinaglalawayan na naman siya ng mga tagahanga niyang barako.

Tatlong larawan ang nakapaskil sa Instagram account ng beauty queen na talaga namang makalaglag panga sa sobrang kaseksihan.

Talaga namang sumasagitsit sa hotness ang kanyang kartada-diyes na katawan suot ang yellow two piece swimsuit.
Kung patalbugan din naman ang pag-uusapan sa angas ng katawan at world-class beauty, may ibubuga si MJ.

Kahit sino ay mahihiyang tumabi sa kaseksihan niya na para talagang nililok ang kaseksihan ng isang napakahusay na sculpture.

Kung sinuman ang nagmamay-ari ng puso at katawan ni MJ, napakasuwerte niya dahil higit sa milyon dollar ang kabuuan nito. (Rey Pu­maloy)