MJ thriller ang ‘bumper’

MJ thriller ang ‘bumper’

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa mga beauty enthusiast kung bakit hindi man lamang nakapuwesto sa limang finalist si MJ Lastimosa sa Miss Universe noong 2014.

Makikita naman sa mismong araw ng pageant na maihahalintulad sa Barbie doll ang hugis ng kanyang katawan.

Nag-throwback posting si MJ sa Instagram wall niya ng video habang rumarampa sa Miss Universe ng naka-two piece bikini.

Kitang-kita ang ebidensya ng kartada 10 niyang hubog at ang umaapaw na ganda nito.

Anim na taon ngayon, hindi pa rin nagbabago ang kaseksihan ni MJ. Lalo pa yatang bumagsik dahil mas nagkaroon ito ng confidence sa sarili. Thrilling o nakakangatog ang kanyang “bumper”.

Si MJ ang tipo ng beauty queen na karapat-dapat gawing trophy girlfriend.

Yayabang ang sinumang lalaki na makakasama siya sa lahat ng okasyon. (Rey Pumaloy)