MMA armas ni Shaq sa mga NBA crown

Kelan lang ay ibinuko ni Shaquille O’Neal ang secret ingredient ng kanyang workout kung bakit nanalo ng apat na NBA titles.

Una sa rings na ‘yun ang three-peat sa Lakers kasama si Kobe Bryant noong 2000-02, isa pa sa Heat kasama si Dwyane Wade noong 2006.

Ang sikretong malupit?

Mixed Martial Arts.

Dambuhala na si Shaq, nag-aral pa ng MMA?

“MMA is the reason I became a champion,” lahad ni Shaq kay Ariel Helwani ng ESPN. “I always used to practice basketball. It wasn’t enough. Because when I play basketball, it was more wrestling.”

Kaya pala nu’ng kapanahunan, kahit sumakay na sa kanyang likod ay parang bale-wala lang na ipinagwawasiwasan ang mga kalaban. Binu-bulldozer ang mga harang sa paint.

Nagsanay aniya siya ng MMA sa ilalim ng kaibigang si Jon Burke sa Orlando.

“I came back in the best shape of my life. That was in 2000. Won. Dominated,” dagdag ng Hall of Famer.

Dahil epektibo ang MMA training, itinuloy lang niya. Ang resulta ay dalawang kampeonato pa.

Katunayan, sina Kobe at Shaq na ang huling naka-three-peat sa NBA, wala nang sumunod.

Itinigil niya raw ang MMA at napagtatalo kaya binalikang muli.

“So I’m a creature of habit. Did it again, won a second championship. Did it again, won the third championship,” wika pa ni Shaq. “Got cute, got away from it, lost. Got traded to Miami, did it again, won the fourth championship.”

Sayang lang, hindi naging epektibo ang training niya sa free throw shooting. Kung meron man. (VE)