Mayroong malawakang balasahan at imbentaryo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos alisin sa nasabing ahensya ang kontrol sa pagmamantine ng daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) Thomas Orbos, ipatutupad ang major reshuffle sa mga opisyal at magkakaroon din ng inventory at audit sa ahensiya.
“We will not be removing people but since traffic management is out of our hands, I have to realign the resources to focus on the rest that I have to work on. I am still rationalizing things,” paliwanag ni Orbos.
Aniya, nakasentro na lamang ang ahensiya ngayon sa flood control, solid waste management at urban renewal matapos na ilipat sa Department of Transportation (DOTr) ang kontrol sa pagmamantina ng trapiko sa Metro Manila.