Aalamin ng Kamara ang kahandaan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sakaling maganap ang kinatatakutang malakas na paglindol sa Metro Manila na tinaguriang “The Big One”.
Ito ang nabatid kay House committee on Metro Manila Development chairman Winston Castelo matapos yanigin ng 7.2 magnitude na lindol ang Sarangani kamakalawa.
“We have to know what preparations MMDA are doing in case the Big One hits Metro Manila,” ani Castelo kaya nagpadala ito ng imbitasyon sa MMDA na dumalo sa pagdinig sa Mayo 8.
Sinabi ng mambabatas na kung sa Metro Manila tumama ang nasabing lindol, malaking pinsala ang idudulot nito dahil sa mga nagtataasang gusali at mataas na bilang ng populasyon.
“Just like in Mindanao, panic could hurt people in the cities if we don’t have plans,” ayon pa sa mambabatas kaya kailangang makita na umano ang contingency plan ng ahensya.
bakit laging big one ang usapan. para malansi ang tao na kapag they need a big fund for this issue ay hindi halata na they need kurakot sa kaban ng Bayan.