by Armida Rico

Inaasahang bukas (Lunes) bisperas ng Pasko ay bahagyang magaan na ang daloy ng trapiko sa ilang lugar ng Metro Manila dahil nakaalis na ang halos libo-libong residente para magtungo sa mga probinsiya at ipagdiwang ang Kapaskuhan.

Ito ang paha­yag kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA Traffic Czar Bong Nebrija.

Sinabi ni Nebrija na inaasahang luluwag na ang daloy ng trapiko sa ilang lugar ng Kalakhang Maynila sa Lunes (Dec 24) ma­liban lamang sa identified chokepoints sa EDSA tulad ng mga bus terminal sa Pasay at sa Cubao, Quezon City.

“We are expec­ting light traffic na sa ­Holiday kasi ever since ganun naman ­talaga ang nangyayari at nagsisiuwian na ang karamihan sa probinsiya bago pa man ang December 24,” ani Nebrija kung saan ang iba aniya ay humahabol sa last minute shopping.

Ayon pa kay Nebrija, ang average tra­vel speed sa EDSA ay magiging 25 kilometer kada oras maliban lamang sa ilang areas na malapit sa mga bus terminal.

Ngunit pinayuhan nito ang mga moto­rista na huwag dumipende sa sitwasyon ng daloy ng trapiko dahil posible aniyang magbago ang kondisyon nito kada oras.

“Panawagan namin is disiplina pa rin sa mga motorista and anticipate din possible traffic – come home ­early,” paalala pa ng opisyal.