Pinagtibay ng Metro Manila mayors ang pagpapatupad ng total ban sa mga tricycle, pushcarts, kuliglig, pedicab at ambulant vendors na dumadaan sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) at ilan pang pangunahing lansangan sa Kamaynilaan.
Nakapaloob ito sa isang resolution na inaprubahan noong Biyernes (Agosto 12) ng Metro Mayors Council (MMC), ang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMC, ang mga behikulong ito at mga ambulant vendors ay nakakadagdag ng trapik sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila partikular sa EDSA.
Nabatid sa MMC na kaagad maglalagay ng mga karatula para sa pagbabawal sa mga tricycle, kuliglig, pedicab at ambulant vendors sa mga itinuring na strategic area ng mga pangunahing lansangan kabilang dito ang EDSA.
Papatawan ng multa na halagang P500 ang sinumang lalabag sa naturang resolution at ang mga ambulant vendor ay papatawan naman ng anti-jaywalking na isa sa mga regulasyong pinatutupad ng MMDA sa Kamaynilaan.
Tama yan at lalo na sa bandang divisoria, recto at sa ka Maynilaan ang dami nyan at hari sila ng kalsada. Ang maganda din gawin ay bawasan ang private cars sa EDSA sobrang dami na nila at kailangan nyo na maglagay ng p2p na double decker na bus para mapwersa silang gumamit nito. Ang baba naman ng multa dito, dapat diyan first offense ay P5,000 para matakot.
sa may balintawak market mo, ang dami po kuliglig, trcicyle , pedicab, tuwing madaling araw, dapat po lahat po ito ay hulihin, masa maganda po ma video po para maibalita sa lahat
nabanggit na po itong panakulang ito noong panahon pa ni Noynoy. paulit ulit na lang tayo.
Ang kailangan po ay name and shame , para mapahiya lahat ng tao na hindi sumusunod.
kung may ngipin kayo at gusto nyong lumuwag ang EDSA ay ipagbawal nyo lahat ng pribadong sasakyan na dumaan dyan doon nalang sila sa alternate route dahil hawak nila ang oras at diskarte.
ang matinding reklamo ng mga residente ay ang nakakabulahaw na ingay ng mga tricycle at mga motorsiklo sa mga kalye sana mabigyan din po eto ng pansin.