MMFF parade 6- oras tinilian kahit tirik ang araw

Tagumpay ang ginanap na Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars nitong Linggo, Disyembre 22. Walang aberya at delay na naganap hindi katulad noong nakaraang taon. Perfect at nakisama ang panahon. Hindi inulan.

Ala-una ng hapon umarangkada ang parada sa Taguig. Mainit ang panahon pero masaya. Anim na oras natapos ang parada na tinilian ng mga fan.

Anyway, walamg giant float mula sa walong MMFF entries ang bumida sa parada.

Tila isang malaking regalo ang makulay na float ng The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.
Isang malaking dragon naman ang tema sa float ng Mindanao nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Nangibabaw naman ang kalikasan sa float ng pelikula ni Iza Calzado.
Mala-horror house naman ang float ng “Sunod” ni Carmina Villarroel.

Simple lang ang float ng Miracle In Cell #7, parang “running bilibid” ang datingan nito habang mala-under the sea ang tema ng float ng Mission Unstapabol: The Don Identity.

Tila isang malaking kwaderno naman na puno ng pagmamahal ang float ng pelikulang “Write About Love” ni Miles Ocampo, Yeng Constantino at Rocco Nacino. (Rona Ronda)