MMFF theme song making contest, ­bongga ang cash prizes

BONGGA ang cash prizes­ para sa logo design and theme song writing competition ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Para sa MMFF Logo Design competition, maaaring magsumite ang mga kalahok ng hanggang dalawang logo entries.

Ang criteria — concept (40%), originality (30%), at relevance (30%).

Ang mga logo entries, na sana ay nasa vector format, ay dapat ipadala kasama ang registration form sa officialmmff@gmail.com.

Ang magwawagi sa MMFF Logo Design competition ay tatanggap ng P20,000 at isang Sony tablet.

***

Para sa MMFF Theme Song Making competition, maaaring magsumite ang mga kalahok ng hanggang tatlong entries na nasa MP3 format.

Kailangang nasa 3-5 minuto ang song entries, Ingles o Pilipino.

Ang criteria — musicality (30%), lyrics (30%), originality (30%), at impact (10%).

Ipadala ang song entries kasama ang lyrics (Word format) at ang re­gistration form sa officialmmff@gmail.com.

Ang magwawagi sa MMFF Theme Song Making­ competition ay tatanggap ng P50,000 at isang Sony tablet.

Ang mga magwawagi sa logo design at theme song making competitions ay iaanunsiyo sa Setyembre 12.

Ipo-post ang kanilang mga pangalan sa lahat ng mga opisyal na social media platforms ng MMFF.

Ang deadline ng submission para sa mga entries ay sa Agosto 31.

Para sa full contest mechanics, bisitahin ang www.mmff.com.ph at i-like ang MMFF Facebook page: www.facebook.com/mmffofficial.