MMTC Race Results Texting

racing-feature andy sevilla

Isang buwan nang tuwang-tuwa ang mga Metro FastBet users dahil sa panibagong serbisyo ng Metro Manila Turf Club.

Ito yung Race Results Texting na kada karera sa MetroTurf Racing Complex ay nabibigyan sila ng update tungkol sa resulta o mga dibidendo. Sa experimental phase na tumagal halos ng isang buwan, marami ang nasiyahan at nagsabing gayahin din daw sana ito ng dalawang karerahan.

Sa mga may Metro FastBet, lahat ng karerang nagaganap ay nakikita sa kanilang gadgets ang mga resulta kapag na­ging official na ang mga ito. Pero kailangan pa ring naka-WiFi ka lagi para makita mo ang nangyayari sa iyong Metro FastBet. Paano kung wala kang WiFi?

Dahil sa makabagong teknolohiya, malaking tulong sa mga mananaya ang pagtetext sa mga kli­yente ng karerahan ng mga resulta. Kahit nasa biyahe, malalaman ng bettors ang mga nanalo at mga karampatang dibidendo sa bawat karera.

Ito ang pangunahing konsepto ng proyektong pinasimulan ng MMTCI isang buwan na ang nakalipas. Ang resulta ay pagkatuwa ng mga nakatatanggap ng resulta kada karera dahil hindi na sila magtatanong kahit na wala sila sa OTBs.

Kahit nandun sa OTBs ay magtatanong ka pa kung ano ang nanalo at kung may tinamaan.

Sa Race Results Texting ng MMTCI, pati bigayan mula sa Double, Forecast, hanggang Pentafecta at SuperSix at dibidendo sa Winner-Take-All at Pick-6 ay kumpleto.

Natutuwa ang MMTCI sa ganda ng response ng mga nakatatanggap nito na nagsasabing ilang dekada na ang karera bago pa naisip ito. Maganda raw innovation ito sa karera na dapat ipatupad maski ng dalawa pang karerahan sa bansa.