MMTC Year-Ender 

racing-feature andy sevilla

Dalawang mala­king pakarera at anim na trophy races ang nakahandang bitawan mamayang gabi na tinawag na DLTB/MMTCI Year-Ender Racing Festival sa MetroTurf Racing Complex.

Ang highlight ay ang Yutong Bus Corporation Cup na merong papremyong P500,000 para sa mananalong kabayo. Labintatlo ang sumali dito sa karerang paglalabanan sa distansyang 1,400 meters at iniisponsoran ni Jimmy Chua.

Meron ding added P20,000 prize para sa segundo, tersero at quarto puwesto habang merong grocery items naman na ipamimigay sa winning trainer, jockey, jockey’s helper at groom.

Ang Biffany and Beryl Co. Ltd. Cup na iniisponsoran ni Tony Tan ay merong paprem­yong P300,000 para sa mananalo at P20,000 namang karagdagan para sa segundo, terse­ro at quarto.

Lahat ng matitirang anim na karera ngayong gabi ay gagawing DLTB/MMTCI Year-Ender Trophy Races na merong gua­ranteed P150,000 at trophy para sa mga mananalo.

***

Ipinapaalam nga pala ng Karera Station Association of the Philippines (KASAPI) na bukas na ang pamamahagi ng mga motorsiklong napanalunan ng mga masuwerteng nabunot sa raffle nilang “P20 Manalo ng Motorsiklo!

“Puwede nang kunin ng mga nanalo ang kanilang mga napanalunan bukas (Huwebes) mula ala-una hanggang 5 ng hapon sa Norkis Bldg. sa kanto ng Calba­yog corner DM Guevara streets sa Mandaluyong. Kung maaari lang sana ay magdala na sila ng mga sasakyan na puwedeng paglagyan ng kanilang mga motorsiklo,” ang sabi ni KASAPI president Nicson Cruz.

Narito po ang mga nanalo ng 12 motorsiklo: Jenefer Tambong (2 motorsiklo); Jennifer Bru­sala; Orly Sanguyo; Dulce Galapia; Elvina Tan; Re­nato Burgos Jr.; Federico dela Cruz; Edgar Fajardo; Myrene Duran; M-Ex OTB; Bok Sanguyo.

Sa tatlo namang nag-participate na magbenta ng mga tikets, ang mga na­nalo ay sina: Raquel Sha; Bayani OTB; at Okasan OTB. ­Congratulations sa mga nanalo!