MNLF, MILF kakausapin ni Duterte

Sa loob ng 10 araw simula sa Miyerkules, Agosto 3, ay iikot si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao partikular sa Jolo at Cotabato para kausapin sina Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Murad Ebrahim at Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari para pagtibayin ang peace process framework kasabay ng paninindigang kailanman ay hindi ito makikipag-usap sa Abu Sayyaf na tinuring na kriminal.

Ayon kay Pangulong Duterte pursigido siya na makamit na ang kapayapaan kaya naman magtutungo ito sa Mindanao para makausap ang MILF at MNLF.

Aminado si Pangulong Duterte na kailangang makiĀ­pag-usap at magtungo siya sa Mindanao para mapadali na ang peace negotiation. Kung hindi umano nito makakausap ang MILF at MNLF ay hindi maisasaayos ang lahat.

Aminado si Pangulong Duterte na kung sinsero sina Misuari at Murad sa pakikipag-usap ng mga ito sa kanya ay tiyak na magiging sinsero rin ang mga ito sa pakikipag-usap sa peace negotiating panel sa Agosto 20.

Aniya, sakali mang magkaroon ng positibong resulta ang peace talk ay kinokonsidera niya ang pagbibigay ng amnesty kay Misuari na nahaharap sa kasong rebelyon.