Upang matulungan ang mahihirap na residente ng Quezon City sa pagbibigay ng health benefits at burial assistance, isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan ni 4th District Quezon City Councilor Imee Rillo sa apat na ospital na pinatatakbo ng gobyerno para sa pagbibigay tulong medical at pagpapalibing.
Ang MOA signing ay dinaluhan ni dating Councilor Marvin Rillo na humalili sa kanyang asawa na si Councilor Imee Rillo, Dr. Alfonso Nunez, OIC Medical Center chief East Avenue Medical Center, Dr. Joel Abanilla, Executive Director Philippine Hearth Center, Dra. Evelyn Victoria Reside, Medical Center chief Quirino Memorial Medical Center; Dra. Epifania Simbul, Medical Center chief National Children’s Medical Center; Barangay Chairman Rodel Lobo may-ari ng Wyn Funeral Services and Debra Navarro of Amber Funeral Services.
Ayon sa ulat, naglaan si Rillo ng pondo ng halagang P300,000 sa East Avenue Medical Center (EAMC), at Philippine Hearth Center (PHC), National Children’s Hospital (NCH) habang naglaan naman ito ng P200,000 na pondo sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).
Pangunahing adbokasiya ng mag-asawang Rillo ang public health sa lungsod upang matulungan ang kanilang mga constituent sa mga serbisyong pangkalusugan bilang Mr. at Mrs. Maintenance.
Nagsusulong din ang mga ito ng mga programang pangkalusugan kabilang ang regular na pamamahagi ng mga maintenance medicine para sa mga may high blood pressure at diabetes.