Armida Rico/Shiela Marie Paderan

Nilagdaan ang isang kasunduan memorandum of agreement para padaliin at pag-isahin ang licensing process ng Civil Aeronautics Board (CAB) at ang City Government of Parañaque, kamakailan sa kalagitnaan ng paglulunsad ng City’s Project Express Lane Operation o Project ELO.

Ang MOU ay ipinatupad ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at ng CAB Executive Director Carmelo Arcilla, acting Director General Ernesto Perez ng Anti-Red Tape Authority at Atty. Melanie Malaya, ang namumuno ng City’s Business Permits and Licensing Office na isinagawa ang seremonya sa Parañaque City Hall kahapon ng hapon.

Isa ang CAB sa mga ahensya ng gobyerno na siyang nakatalaga sa regularidad, pagpapakilala at sa pag-unlad ng aspetong ekonomiya ng pamhimpapawid ng sasakyan sa bansa.

Ang naturang ahensya rin ang awtorisado sa pagbibigay ng certificate of public convenience and necessity to domestic carriers (CPCN), foreign air carriers permit (FACP) para sa foreign carriers.

Ang Project ELO rin umano ay nakaayon sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 na nilagdaan ng Pangulong Duterte noong Mayo ng nakaraang taon.

Sa ilalim ng kasunduan, magagamit ng dalawang partido ang proyekto sa pagberipika ng mga business permits galing sa CAB stakeholders at applicants, upang mabawasan ang pangangailangan ng pagpapasa ng dokumento para sa pag-aapply.