Isa na sa mga siguradong paglalabanang laro sa pinaka-unang pagdaos ng electro­nics sports o eSports na iho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games sa 2019 ang Mobile Legends, Bang Bang.

Isang malaking oportunidad ito sa lahat ng ating mga kababayan na may sari­ling cellphones at nais mapabilang sa mga eGamer na makasubok at mapasama sa pambansang koponan sa pagsabak sa gaga­wing try-outs sa susunod na buwan tungo sa pagsali sa makasaysa­yang u­nang edisyon ng eSports sa SEA Games.

Anim na events ang paglalabanan sa isasagawang 2019 SEA Games base sa inisyal na pag-uusap ng ad-hoc committee na binuo para manduhan ang eSports at makipagdiskusyon sa pagitan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at iba’t ibang game publishers para mapili ang iba pang mga laro na itatampok sa SEA Games esports tourney.

May posibilidad na madagdagan pa ang mga laro dahil ‘di pa pinal ang listahan ng mga titulo o nais ng publishers na malalaman sa huling pag-uusap ng PHISGOC Rules and Sports Committee ngayong buwan.

Sinabi ni Razer co-founder at CEO Min-Liang Tan, na siyang drayber sa pagsasagawa ng eSports sa SEAG 2019 na kabilang sa 6 na laro ang paglalaban sa pamamagitan ng dalawa sa personal computer, 2 sa console at 2 gamit ang mobile cellphones.

Kasama ni Tan si Justin Yuan, ang CEO at co-founder Justin Yuan ng Montoon Games na siyang publisher ng Mobile Le­gends: Bang Bang.

Nakatakdang iha­yag ang ibang makakapareha ng Razer at Montoon Games na mga publisher matapos makumpleto ang kasunduan bilang mga partner sa eSports.

Hayag pa ni Tan na susuportahan ng Razer ang mapipili sa mga koponan na bubuo sa Team Pilipinas eSports athletes sa kanilang paghahanda at pagkakatawan sa host country sa mutlit-sports na torneo.

Isa si Tan sa mga nagnanais na maia­ngat at makilala ang eSports bilang medal event at SEA Games 2019.