Mocha binanatan si Maria Ressa

Ang puwedeng-puwedeng maging kontrabida sa pelikulang mula sa malikhaing imahinasyon ni the late, great Mars Ravelo, lalo na nga’t ang turing sa kanya’y kontrabida sa tunay na buhay, si da­ting Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ang babaeng ang pangarap ngayon ay maging party-list representative, may meme na inilathala sa kanyang infamous blog patungkol kay Maria Ressa, ang boss ng Rappler na ang turing ng mga nananalig sa ginoo sa Palasyo ay “enemy of the state” kaya left and right ang kasong hinaharap dahil sa mga inuulat sa kanyang news portal na pinamumunuan.

Sa meme, may larawan si Ressa kung saan may quote na: “My only crime is to be a journalist.” Sa ibabang bahagi, ang meme, may pigura ni Homer Simpson, hawak ang isang listahan kung saan nakalagay ang kaso ni Maria.

Dito rin mababasa ang pahayag ni Mocha na:

“Kaya ka natatawag na bobo eh @mariaressa.”

Dahil sa ginawa niyang ito, muli na namang pinatunayan ni Uson ang kanyang “galing” at pagiging “henya.” Siyempre pa, ang kanilang mga tagapanalig, galak na galak sa banat niyang ito.

Papatulan pa ba natin ang pa-meme niyang ito? Huwag na. Hayaan na lang natin na ang kasaysayan ang humusga sa kanya. Pasasaan ba at matatapos rin ang kanyang kabuktutan at kahibangan. (Alwin Ignacio)