MOCHA, BOSES NG NEGA SA RADYO

Mocha Uson

HINDI kaya ­nababahala ang pamunuan ng ­DZRH sa mga complaint at threats para i-boycott ito dahil sa kung anu-anong pinagsasabi ni Mocha na may sariling programa sa nasabing istasyon?

Hindi maganda ang mga kanegahan na pinagsasabi ni Mocha sa ­layunin niyang ­maging ­Boses ng ­Pagbabago na nakasuporta kay ­Presidente Digong.

Imbes na makatulong, ang lakas maka-turn off at maka-nega ng mga ­katulad ni Mocha.

Sayang ang airtime.

***

Bonggacious ang ballroom gown ni Belle (Emma Watson) nang nagsayaw sila ni Beast (Dan Stevens) habang kumakanta si Mrs. Potts (Emma Thompson) ng ­title track na Beauty and the Beast.

For sure, maraming manggagaya ng ginintuang gown… ‘tsura ng gown ni Elsa sa Frozen!

Ang mga tela ay tulle, satin organza at taffeta.

Ayaw ni Emma ­Watson na mag-corset.

Ang tsika sa IMDB, “Belle’s ballroom gown required 3,000 feet of thread and over 12,000 designer-hours to complete. It was ­accentuated with 2,160 Swarovski crystals.”

***

Ginawan na ba ng aksyon ng It’s Showtime na sana, hindi na dino-dominate ng Cornerstone artists ang line-up ng mga hurado sa TAWAG NG TANGHALAN?

Hindi kasi ­maganda na parang sa iisang ­kuwadra lang nanggaga­ling ang talents at nagkakaroon ng bias, ‘di ba?

***

Sina Tanner Mata, Luis Hontiveros, Tommy Esguerra at Sam Thurman ang napanood sa bagong grupo sa ASAP na malamya at kapos sa talent at hotness.

Hindi na-achieve ang pagpapa-Big Night ng Sunday nang hapon.

Malamang na ­mabuwag agad ang ­grupong ito.

***
May bagong ­superstar DJ ngayon sa ­Energy FM na si Papa Jack na ­complete ang ­coverage ng kanyang contract ­signing sa ­kanyang bagong ­tahanan ­mula mamayang 9:00 PM hanggang 1:00 AM ­bukas.

Sana, may bagong i-offer si Papa Jack ­para hindi siya matulad sa ibang DJ na napako na lang sa nakasanayang gawin.

Dapat kasing mag-grow with the times, ‘di ba? Tingnan natin kung paano makakaapekto sa ating buhay si Papa Jack.