Mocha Girls
Mocha Girls

­ “Nakaka-demoralize.” Ganito inilarawan ng isang lady solon sa ­Kamara kung mabigyan ng trabaho ang grupo ni ­Presidential Communication Operation Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ng Mocha Girls.

Ang nasabing reaksyon ay tinuran ni ACT Teachers ­party-list Rep. France Castro matapos magpahayag ng ­kahandaan si ­Pangulong Rodrigo Duterte na ­bigyan ng trabaho ang mga kasamahan ni Uson sa Mocha girls.

‘Hilarious, magiging katawa-tawa na ang admi­nistrasyong Duterte,” ani Castro kapag tinupad ni Duterte ang pangako nito sa grupo ni Uson na ang appointment sa PCOO ay kinondena ng netizens.

Lumutang ang posibilidad na magkaroon din ng trabaho sa gobyerno ang mga kasamahan ni Uson nang makipagkita ang mga ito kay Duterte sa Hong Kong kamakalawa.

Ipinagtanggol ni Duterte ang appointment ni Uson bilang Asec. sa PCOO dahil malaki umano ang utang na loob nito noong panahon ng kampanya bagay na hindi matanggap ni Castro.

“Bayaran na lang ba ng utang na loob ang labanan ng posisyon sa gobyerno?” tanong ni Castro.

Lalong nakakadismaya aniya na mabilis na na-appoint ang mga tulad ni Uson habang “ang mga fit at qualified gaya nina (Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano) Ka Paeng at Juy (Department of Social Welfare and ­Development (DSWD) Secretary Taguiwalo) ay ang tagal ma-confirm”.

Ayaw namang magkomento ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa appointment ni Uson subalit ngayong nabigyan na aniya ito ng puwesto sa gobyerno ay umaasa ito na mabigyan ng pansin ng opisyal ang kapakanan ng mga kababaihan.

“Kung ang mga programa at direksyon ay para talaga sa mga mahihirap para maahon tayo sa kondisyon… sa rights ng mga kababaihan, marginalized sa ating ­lipunan, wala naman sigurong problema (sa appointment ni Uson),” ani Brosas.

9 Responses

  1. BAWAL KSE ANG MATINO SA GOBYERNO NG AMO NAMING MAY SAYAD SA ULO. KAYA KUNG GUSTO NYO MABIGYAN KA NG TRABAHO NI DIGONG AY DAPAT BASTOS KA AT BALASUBAS. AT MAS MADALI KANG MA-A-APPOINT KUNG POK POK KA HAHAHAHAHA

      1. AY INGGETERO TLAGA TAYUNG MAKA-DUTERTE ..HEHEH
        MABUTI NA LANG AT MAY SAYAD ANG AMO NATING SI DIGONG KAYA NYA INAPPOINT SI MOCHA AT SIYEMPRE – MASAYA TAYUNG MAKA-DUTERTE KSE NADAGDAGAN NA NAMAN NG SIRA ULO SA GABINETE NI DIGONG ..HEHEH

      2. AY MABUTI AT NADAGDAG KA SA MGA INGGETERONG BALASUBAS, MATUTUWA SI DIGONG NYAN HAHAHAHA
        CGE MAGTANIM TAYU NG KAMOTE PARA LALONG MANGA-MOTE ANG UTAK NATING MAKA-DUTERTE HEHEHEHE ..HEHEH

  2. POKPOK SA GOBYERNO HAHAHA LAGI 69 POSITION YAN AT PASA PASA SILA SA LAHAT NG NAKA UPO EH ANG LAKI NG KITA NG MGA YAN POKPOK PA MORE SA GOBYERNO PWEEEEE NAKAKA SUKA MOCHA KA BUKAKA,,,,,,,