Mocha, Harry sa Senado wala sa listahan ni Koko

Mocha Uson, Harry Roque

Inanunsiyo ni House Speaker Pantaleon Alvarez kahapon kung sino-sino ang bubuo sa senatorial line-up ng partido ng administrasyon para sa 2019 mid-term elections.

Kabilang sa mga magiging pambatong kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para sa senatorial race ay sina Pre­sidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Margaux ‘Mocha’ Uson, Presidential Spokesperson Harry Roque, Davao City Rep. Karlo Nograles, Bataan Rep. Geraldine Roman, Negros Occidental Alfredo Benitez, at da­ting Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, na kasalukuyang political adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinakilala ni House Speaker Alvarez ang senatorial line-up ng PDP-Laban sa idinaos na mass oath-taking ng mga bagong miyembro ng partido sa Cebu City.

Si Alvarez ang tumatayong secretary-ge­neral ng PDP-Laban na nagpahayag din ng ka­handaan na maging campaign manager ng partido ng administrasyon.

Ang inilabas na line-up ni Alvarez ay may pagkakaiba sa naunang inilabas na listahan ni Senate President at PDP chairman Koko Pimentel.

Sa naunang line-up ay nakalista sina Senador Pimentel, Cong­ressman Rodolfo Fariñas, Negros Occidental Cong. Alfredo Benitez, Bataan Rep. Geraldine Roman, Davao City Cong. Karlo Nograles at dating MMDA chair Francis Tolentino.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Akba­yan Rep. Tom Villarin ang mga botanteng Pinoy na maging wais sa pagpili ng mga iboboto para sa 2019 mid-term senatorial polls.

Ang komento ay ginawa ng Akbayan solon hinggil sa inilalawit na kandidatura nina Roque at Uson.

“A spinmeister has to decline the offer now or be seen as using his position to promote himself. A ‘fake news’ master has no business peddling lies and vitriol in the Senate,” pagbibigay-diin ni Villarin.

Pinayuhan din ni Villa­rin ang mga kasama­han nito sa Kamara na nakasama sa line-up na tumutok at unahin muna ang trabaho at paglilingkod sa mga kababayan.

“…with due respect to incumbent House colleagues who are doing well, I think we should focus on doing our jobs to serve the people…it’s too early for sending voters in 2019 to dreamland especially that people’s daily woes on traffic, MRT breakdowns, unemployment, rising inflation, EJKs make their day. But some people in power just can’t resist to make po­litics as their daily fare,” pahayag ng solon.