MAHIGIT 4M na ang followers ni Mocha Uson sa kanyang blog sa Facebook.

Sa isyu kamakailan ni Agot Isidro kay DU30, hindi kataka-taka na nadawit si Mocha.

May sagot dito si Mocha. Ang title ng artikulo, AKO AY ISANG BOLD STAR.

Ani Mocha, “May mga nagbalita sa akin na todo daw na tinitira ako ng mga anti-Duterte page.

“Para po sa kaalaman ng mga nang-uungkat ng aking nakaraan at para hindi na kayo mahirapan mag-research ay uuna­han ko na kayo.

“Dati po akong SEX BLOGGER sa Maxim Magazine. I did sexy indie films. Sexy Magazine covers. Safe sex video tutorial. Pero hindi po siya X or XXX. Hanggang R lang po.

“Ano pa? Hmmm… Na-involve ako sa lesbian-bisexual issue with my groupmate. But NEVER did I enter into prostitution nor became an escort.

“You can ask all the bugaws in the showbiz world (yes most of them are in showbiz). No one can accuse me of that.

“Malinis ang record ko diyan.

“Being sexy is just part of my image as the leader of MOCHA GIRLS.

“Am I offended when people throw my past at me? Hindi po. Do I feel deep regret for my past mistakes? Yes. But I already asked the Lord for forgiveness.

“Yes, even before pa nagsimula ang kampanya I already surrendered my life to God. I realized my mistakes at naintindihan ko ang pagmamahal ng Panginoon through gi­ving his son Jesus.

“Hindi ko po sinasabi ito para magpaka-‘BANAL.’ I am not perfect and God is still wor­king in me.

“Sinasabi ko lamang po ito na ‘yang buhay na ‘sexy’ ay akin na pong sinuko sa Panginoon so I am not ashamed of it, kasi, I know I am forgi­ven by God because of His son Jesus.

“Kaya sa mga haters ko po na patuloy na bina­bato sa akin ang nakaraan ko, mali pong strategy ‘yan dahil hindi ko po ikinahihiya ‘yan at mas lalo po akong natutuwa kasi I can see more the LOVE OF JESUS in my life.

“Am I mad at you? Of course not. Tuloy niyo lang po kung ano ang ikaliligaya ni’yo.

“Ngunit kung tala­gang ‘matalino’ at ‘disente’ kayo, huwag ang PAGKATAO ng DUTERTE SUPPORTERS ang ata­kihin ni’yo kundi ‘yung argumento o ang isyu…”

8 Responses

  1. Aaamin ka ba kasi? Naghuhubad ka nga sa publiko at sa bawat pagkanta mo sa mga shows mo, sa mga tagong lugar ka pa kaya hindi gumawa ng mga kababuyan. Hindi kami ipinanganak kahapon Mocha. Pwede mong bolahin ang 16 million na followers ni Digong pero hindi ang majority!