Mocha, P60K ang suweldo kahit pala-ABSENT sa MTRCB

Mocha Uson

IPINATAWAG na p­ala kahapon sa MTRCB ang mga taong involved sa teleseryeng The Better Half ng ABS-CBN 2.

Humarap sila sa Adjudication Committee ng MTRCB dahil kailangan nilang sagutin ang ilang reklamong ipinarating sa naturang ahensya.

Hindi pa raw adjudication iyun, kundi dialogue pa lang ito ng The Better Half at MTRCB.

May mga reklamong nakarating sa MTRCB at lalo pa itong umingay dahil kay Mocha.

Kaya sinabihan ang mga taga-The Better Half na mag-ingat na sa mga maseselang eksena lalo na sa love scenes na mala-porno ang dating kay Mocha.

Hindi na ibinahagi sa amin kung ano pa ang napag-usapan pero malinaw sa mga taga-The Better Half na kaila­ngan nilang mag-ingat sa naturang serye.

Akala namin, kasali sa dialogue si Mocha, pero hindi pala siya bahagi ng Adjudication Committee kaya wala siya sa naturang paghaharap.

Napag-alaman din naming hindi pala ganu’n kadalas pumasok si Mocha sa MTRCB. Totoo bang sa buwan ng Feb­ruary, walong beses pa lang siya pumasok?

Hindi rin ito nakakadalo sa board meeting kasama ang bagong Chairman na si Atty. Rachel Arenas.

Kaya hindi niya naipaparating ang mga reklamo niya at isyung gusto niyang pag-usapan ng board.

Sa halip, sa blog na lang siya nagsusumbong sa kanyang mga ka-DDS.

Nasa MTRCB kami kahapon at nasalubong ko roon ang isa ring miyembro ng board na si Luke Mijares.

Twice a week siya pumapasok dahil may iba rin siyang tinatrabaho.

Every weekend na lang daw siya nakakapag-gig dahil may iba pa siyang inaasikaso.

Enjoy daw siya sa bagong responsibilidad na ibinigay sa kanya, pero at least, natuto siya.

Ayaw niyang mag-absent dahil marami pa siyang kailangang matutunan sa MTRCB.

Natawa na lang sa amin si Luke nang tinanong namin kung nagkikita ba sila ni Mocha gayung hindi pala ito madalas pumapasok.

Parang naasiwa tuloy kaming panoorin ang vi­deo blog ni Mocha na nag-withdraw ng suweldo niyang P60,000 at ipi namili ng grocery na ipamimigay sa DSWD.

Kung totoong walong beses ka lang pumapasok sa loob ng isang buwan, sulit kaya ang ganu’ng halagang natatanggap mo na sahod?

Naalala rin namin ang kuwento ng ilang government employees na nagsu-surprise visit si Pres. Duterte.

Kapag naabutan ka raw na wala kang ginagawa o wala ka sa oras ng trabaho, binibigyan ka ng warning o minsan natatanggal pa.

Ano kaya ‘pag naisipang dumalaw ng ating pangulo sa MTRCB, at maabutan niyang wala roon si Mocha?