Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V
Centre, San Juan)
8 a.m.- MU vs
UPHSD (jrs)
10 a.m.- EAC
vs CSB (jrs)
12 nn.- MU vs UPHSD (srs)
2 p.m.- EAC vs
CSB (srs)
4 p.m.- JRU vs
CSJL (srs)
6 p.m.- JRU vs
CSJL (jrs)

Kumalas sa dulo ng fourth quarter ang two-time defending cham­pion San Beda University upang lapain ang San Sebastian College 82-75 kagabi sa 94th NCAA basketball tournament sa San Juan City.

Nakakapit ang Golden Stags hanggang fourth quarter pero sa huling dalawang minuto ng labanan ay umalagwa na ang Red Lions upang ilista ang 13-1 karta at saluhan ang mahigpit na karibal na Lyceum of the Phili­ppines sa top spot ng team standings.

Kapwa sila nakasisiguro na ng playoffs para sa Final Four.

Namuno sa opensa para sa San Beda si Javee Mocon na nagtala ng 20 points habang bumakas sina Robert Bolick at Donald Tan­koua ng 18 at 16 markers ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si Bolick ng limang sunod na puntos upang ilagay muli sa tuktok ang San Beda matapos malamangan ng isang puntos 64-65 sa kaagahan ng payoff period.

Sumalpak ng tres si Mocon para umalagwa ang kanilang bentahe 82-72 may 1:52 minuto na lang sa orasan.

Nalasap ng Stags ang pang-10 talo sa 14 na laro.

Nasikwat ng Pirates ang pang-13th win matapos pagpagin ang Arellano University 113-79 sa unang sultada.