Matapos ang apat na araw na pagkawala ay natagpuang isa nang bangkay ang isang dalagitang ni-recruit na maging modelo sa isang ilog sa bayan ng Indang, Cavite kahapon.
Pasado alas-nuwebe ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Melissa Magracia, 17-anyos, estudyante ng AMA College sa Dasmariñas City Cavite at residente ng Belvedere Subdivision Tanza Cavite, sa ilog na sakop ng Brgy. Guyam Malaki, Indang, Cavite.
Halos maga na ang buong katawan ng biktima nang matagpuan dahil sa hinihinalang matagal na pagkakababad sa ilog na pinag-iwanan ng hindi pa nakikilalang suspek.
Nabatid mula sa Indang Municipal Police Station, ilang residente sa Brgy. Guyam ang nakakita sa naka-school uniform na labi ni Magracia.
Nauna dito, Disyembre 6 taong kasalukuyan nang umalis sa kanilang bahay ang biktima upang makipagkita umano sa isang Lric Mojica, na nag-aalok sa kanyang maging modelo.
Ito na ang huling pagkakataon na nakita ng mga kaanak ang biktima dahil hindi na ito nakauwi ng bahay.
Batay sa salaysay ng mga magulang ni Melissa, nakilala nito si Lric sa social networking sites, ngunit mula ng mawala ang dalagita ay deactivated na rin ang FB account ni Lric.
Kasunod ng pagkakadiskubre kahapon ng umaga sa bangkay ng dalagita ay inaresto sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Lric Mojica, kahapon ng tanghali sa inuuwian nitong bahay sa Brgy. Harasan sa nasabi ring bayan.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek hinggil sa pangyayari.
Nakatakda namang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng dalagita upang matukoy ang tunay na sanhi ng kamatayan nito.
This is the kind of capital offense; kidnapping with rape and murder, that demands the death penalty. The perpetrators will continue to commit these horrific and despicable crimes against Filipina women and will not stop until they are apprehended and given the death penalty. It is not about “crime deterrence” rather it is about crime and punishment. . . Commenter for Canadian Circle on Asian Issues . . Cercle Canadien sur les Questions Asiatiques
mabuti na lang walang cardboard na may pangalang Adik Ako.
ganyan na po ang buhay natin dito sa Pinas.. pinagpapatay sa di alam na dahilan. Welcome to the Killing Fields!
Red herring <— yan Isearch mo sa dictionary ang meaning nyan, ganyan ang comment mo.
AHAHA TNGA NITO