MODERN FAMILY ang peg ng dating magkarelasyong Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.
Natuwa at na-good vibes ang netizens sa Instagram post ng non-showbiz wife ni Patrick na si Nikka Martinez-Garcia na magkakasama sila nina Jennylyn at Dennis Trillo.
Halos 20K na ang likes sa IG kahapon ng happy pic na kasama nina Patrick & Nikka ang dalawang daughters nila na sina Michelle Celeste & Nicola Patrice.
Nasa gitna nina Pat & Jen ang anak nilang si Alex Jazz, tapos ay karga ng boyfie ni Jen na si Dennis ang ‘baby’ nila ni Jen, ang cute nilang peg doggie na si Conor.
Nakakatuwa na magkakasundo silang lahat, kaya nagagawang maka-bonding ni Kuya Jazz ang sisters nitong sina Chelsea at Patrice.
Kahit mga taga-showbiz ay nakyutan sa nasabing family picture dahil ang ganda nilang pagmasdan.
Sina Patrick & Nikki ay masaya sa kanilang tahimik na family life, habang happy rin ang JenDen sa kanilang matatag na relasyon.
Si Jazz ay close na kay Dennis at ang anak ni Dennis (kay Carlene Aguilar) na si Calix Andreas ay malapit na rin kay Jen, kaya everybody happy.
Obviously ay genuinely happy sina Jen at Patrick sa mga buhay at partners nila, kaya ang mature ng relasyon nila. Harmonious and positive, walang negativity.
Ganito ‘yung wish namin for LJ Reyes & Paulo Avelino for the sake of their son Aki.
Maganda rin sanang makita in one happy pic na kasama ni LJ at nobyo niyang si Paolo Contis ang fadir ni Aki na si Paulo kasama ang model girlfie nitong si Jodie Tarasek.
As of now kasi ay sobrang hindi pa okey sina LJ & Paulo at umabot na hanggang sa korte ang isyu nila kay Aki.
Ang alam namin, ganito rin ang gustong mangyari ni Paolo sa kanila ng ex niyang si Lian Paz.

Wish ni Paolo na maging sobrang okey sila ni Lian at ng husband nitong si John Cabahug, tapos ay magsasama-sama rin sila sa picture nina LJ & Aki at ng two daughters ni Paolo na sina Xalene & Xonia with Lian & John.
Puwede naman kung magmi-meet halfway at magkakaayu-ayos sa halip na magkaroon ng hidwaan.
Kung nagawa nina Jen at Patrick, kakayanin din nina LJ at Paulo.
Tiwala lang, besh!