Modernisasyon ng BFP pinaaapura

Uso na naman ang kaliwa’t kanang sunog ngayong Fire Prevention Month.

Kaya naman pinapapaspasan na ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang pagsasabatas ng panukala na nagsusulong sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

“Fire is a serious threat to life and pro­perty. Rapid urbanization and congestion in cities make fire hazards more common and de­vastating. The BFP then needs to keep up with this predicament by improving the tools and methods at its dispo­sal,” pahayag ni Alejano.

Isinasaad sa House Bill No. 2728 ang pagkakaroon ng fire stations­ at Emergency Medical Services (EMS) sa lahat ng local go­vernment units (LGUs), pag-upgrade sa lahat ng mga kagamitan at serbisyo, pagbuo ng specialized fire protection at pagtataguyod sa kapakanan ng mga kawani ng BFP.

“To fully realize a modern and responsive fire protection agency, I intend to forward a higher appropriation, based on the proposal of BFP, amounting to P80 billion for 10 years. Extending the modernization program to ten years is a compromise so as not to burden the national budget also,” ani Alejano.

Alinsunod din sa nasabing panukala ang pagbuo ng isang special fund na ilalaan para sa retirement, disabi­lity, at death benefits ng mga miyembro ng BFP gayundin ang pagkakaloob ng scholarship sa kanilang dependent.

Isinangguni na sa House Committee on Public Order and Safety ang HB 2728 at hinihimay na ito ng isang technical working group (TWG).