HAVEY: Hindi man pinalad na magwagi bilang best supporting actress sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival Awards Night, nanatiling cool si Moi Bien, ang break-out star ng pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha kasama ng Megastar Sharon Cuneta.
After the good and encouraging reviews on her acting, kami na ang unang sumulat na dapat ay magkaroon siya ng follow-up film with Piolo Pascual sa isang millennial romantic-comedy in the same vein as Kita Kita.
Tinawagan na siya ng manager niya na si Erickson Raymundo at ang sabi’y may bagong movie na siya.
Pero ang nabanggit na magiging leading man daw niya ay si Empoy.
While it may be a happy comedy with Empoy around, baka mas malaking possibility at mas refreshing sa mata na makita muna sila ng amo at boss niyang si Piolo sa big screen.
“Baka po lagi na lang nila akong nakikitang kakabit at kasama ni PJ (tawag kay Piolo) kaya si Empoy muna,” sambit ni Moi na susunod lang sa sasabihin ng manager.

Noong una, maraming nagsasabing mala-Bona nina Ate Guy at Kuya Ipe ang gawin nilang pelikula na comedy na naman for a change — kuwento ng isang fan na naging personal assistant sa isang star at na-in love dito.
“Ay, masaya po ‘yun!” sabi ni Moi.
“Pero may request lang po ako, puwedeng ako naman ang maging star at si Kuya PJ naman ang maging PA na pagsisilbihan ako at mai-in love sa akin for a change?”
Natigilan kami ni Joross Gamboa na kasama namin noong panahong iyun.
Oo nga, ‘no? Mas maganda at nakakatawang storyline ‘yun. At umaasa kaming matutuloy ‘yun.
Mabuhay ang PIOMOI tandem!
***
WALEY: Ngayon na ang huling gabi ng viewing sa urn ng anak ni Randy Santiago na si Ryan Leonardo na sumakabilang buhay noong Linggo.
Mula na mismo sa pamilya, Ryan suffered from a rare form of brain disease and multiple sclerosis.
Sa unang gabi pa lang, dumagsa na ang suporta at pagmamahal ng mga kasamahan ng pamilya Santiago sa industriya.
Naabutan ko roon sina Mother Lily at Roselle Monteverde, Mikee Cojuangco, Ogie Alcasid, John Estrada at Priscilla Meirelles, Marjorie at Julia Barretto, Bayani Agbayani, Matteo Guidicelli at Zanjoe Marudo,
For sure, marami pang dumalaw kagabi as the family is well loved. Walang masasabi sa pamilya Santiago na napakabait at magaling makisama.
Kaya hindi na tine-take seriously ang mga masasamang sinasabi ninuman tungkol sa pamilya nina Randy dahil pinalaki silang mahusay at matino at nakikita ‘yan sa maayos na pakitungo nila sa industriya mapa-Kapamilya, Kapuso o Kapatid man.
***

WEHHHHH: Ngayon na ang pagbubukas ng Pista Ng Pelikulang Pilipino na itinataguyod ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Liza Diño.
Labindalawang pelikulang Filipino ang magbubukas ngayon kabilang ang Birdshot (John Arcilla & Arnold Reyes), Hamog (Therese Malvar & Zaijian Jaranilla), Salvage (Jessy Mendiola & JC de Vera) at Triptiko (Joseph Marco, Albie Casiño & Kean Cipriano).
Nagkaroon sila ng masigasig na mall show, pati na ng campus at provincial caravan.
Kahapon, nagkaroon sila ng Opening Ceremonies sa Megamall with the screening of the film Zamboanga in celebration of the Centennial of Philippine Cinema.
Tatlong araw na walang pull-out sa sinehan ang magaganap kaya sana suportahan na natin ang mga magagandang pelikula habang maaga pa.
Muli, sinasabi ko, walang karapatang magreklamo ang mga manonood na hindi sumusuporta sa mga pelikulang matitino.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.