BEST SUPPORTING ACTRESS ­namin sa Cinemalaya this year si Moi Marcampo (also known as the PA of ­Piolo Pascual) sa Ang Pamilyang ­Hindi Lumuluha.

Ang laki ng role ni Moi sa ­pelikula at halos leveling sila ng bidang si ­Sharon Cuneta.

Patok ang tandem ng lasinggerang amo na si Cora at ng kwelang kasambahay na si Bebang.

Black comedy-satire ang APHL, na may pagka-weird ang tema, pero may genuine LOL moments ito courtesy of Sharon and Moi na pinahagalpak nang husto ang audience.

Parang comedy improv workshop ang pelikula ni Direk Mes de Guzman, na most of the time ay panay lang ang batuhan ng punchlines nina Mega at Moi na feeling namin, karamihan ay ad lib lang nila.

Deadpan ang comedy ni Moi at sobra siyang effective kaya nakakatawa.

Havey na havey ang mga hirit ng hitad at hindi siya nagpasapaw sa bi­gating co-star niya.

Kung hindi magaling ang kaba­tuhan ng linya ni Shawie ay sablay lahat ng effort na magpatawa.

Riot ang hitad na Moi lalo na nu’ng elya-elya siya kay Kiko Matos at pa­nay ang yaya niya ritong mag-sex sila.

Ang tapang ni Ms. Shawie sa pagtanggap ng role na ito na sobrang layo sa mga ginagawa niya.

In fairness ay hindi siya nagpaka-safe at mas pinili niyang magpaiba.