NGAYON ang alis pa-Japan ng mag-asawang Jules Ledesma at Assunta de Rossi.

A-attend sa isang event doon ang mag-asawa at ise-celebrate nila ang kanilang wedding anniversary sa Agosto 1.

Birthday din ni Jules ang Agosto 1, kaya dobleng selebrasyon ‘yon.

Bago ang flight niya mamaya, ilang araw nag-taping (at shooting si Assunta). Halos wala na siyang tulugan. Sa sasak­yan na lang siya umiidlip, huh?!

Noong Martes kasi, nag-taping siya para sa mini series na Sunshine Inn ni Janine Gutierrez, na produced ni Atty. Joji Alonzo para sa GMA 7.

Sa Iba, Zambales ang location nila para sa mini series na ‘yon. Um-attend siya sa birthday party ng kapatid na si Alessandra de Rossi noong Miyerkules ng gabi.

Huwebes, last shooting day ni Assunta para sa You With Me at inabot siya ng 2:00 AM ng Biyernes.

Eksenang babad sa ulan sila ni Tonton Gutierrez ang kinunan. Umuwi lang si Assunta para kumuha ng mga damit at deretso na sa taping ng Impostora sa Batangas.

From Batangas, sa Iba, Zambales naman noong Sabado’t Linggo si Assunta para sa Sunshine Inn uli.

Kahapon, deretso na siya sa taping ng Impostora sa Antipolo area.

Nang makatsikahan namin kahapon si Assunta, wala siyang reklamo. Ganoon daw talaga kung minsan ang buhay nilang mga artista.

“Hindi bale, makaka­tulog ako sa plane on our way to Japan. For sure, makakapagpahinga ako sa Japan!”

Bale sa Huwebes next week na ang balik nila ng bansa dahil may ta­ping na naman siya ng Impostora ng Biyernes.

Biniro namin si Assunta na baka ‘makabuo’ na sila ni Jules sa Japan.

***

Moi Bien
Moi Bien

May pinost sa Facebook ang comedienne na si Moi Bien na obvious na kumakampi siya sa kaibigang si Ahron Villena sa panibagong ‘laban’ nito sa Dental Diva na si Kakai Bautista.

“Tama PJ Endrinal, ako, ayoko na sana mangialam kasi hahaba eh, pero I think sa isyu na ‘to, hindi naman ata tama, tsaka move on na din at tigilan nyo na din si Ahron Roche Villena mabuti syang tao guys.

“Matagal na ka­ming magkakilala magtigil­-­tigil na din kayo, wag kayo masyadong ano dyan.

“Pag ayaw, ‘wag ipilit, hanap ng iba para di masaktan, ganun lang ‘yun. ‘Wag gamitin sa ano ang paninira ng kapwa!!!”

Kilala ng fans si Moi bilang ‘yaya’ ni Piolo Pascual at naging comedienne siya dahil sa pagkakasama sa Kimmy Dora franchise at naging celebrity contestant pa sa Survivor Philippines na ini-host noon ni Richard Gutierrez sa GMA 7.

Nang tanungin namin si Moi kung bakit kinakampihan niya si Ahron, sinabi niyang kaibigan kasi niya ang aktor.

“Kilala ko si Ahron. Kaibigan ko siya. Sinabi niya sa akin kung ano ang totoo!” sey pa ni Moi.

Teka! Hindi kaya awayin ni Kakai si Moi dahil sa pagkampi nito kay Ahron?!

***

Nakakatuwa ang pag-a-apologize ni Ahron sa social media kaugnay ng kanyang pinost na NE­VER naging sila ni Kakai.

Pinanindigan niya na lahat ng mga sinabi niya ay TOTOO.

Samantala, matagal-tagal na rin sa showbiz si Kakai at ang dami na niyang mga issue, pero hanggang ngayon ay marami pa ang namamali sa spelling ng kanyang pangalan.

Marami kasi ang nagsusulat na Cacai at hindi Kakai ang Dental Diva.

Sabi ng manager niyang si Freddie Bautista, noon pa nila kino-correct ang spelling ng pa­ngalan ni Kakai, pero kahit sa Google, lumalabas ang Cacai.

“Nag-start kasi sa Cacai Velasquez-Mitra ‘yan. Akala ng iba, kapareho ng pangalan ng sister (cum manager) ni Regine Velasquez-Alcasid ang spelling ng pa­ngalan ni Kakai!” sabi pa ni Freddie.