Moira engaged kay Jason

Sobrang ngiti ang ma­kikita sa IG photo ng ‘Malaya’ singer na si Moira dela Torre habang isinusuot sa kanya ang singsing ng kanyang boyfriend na si Jason Marvin Hernandez. Si Jason ay isa ring mang-aawit at composer.

Caption ni @moirara­chelle, “On a cliff at sunset, my best friend asked me the easiest question I have ever had to answer. I love you @jasonmarvinph! “

Pero inintriga ang photo­ ni Moira ng mga netizen. Mukha raw itong buntis sa nasabing larawan.

Ipinagtanggol naman si Moira, “Panira talaga mga taong katulad mo. Di ba pwedeng maging engaged ang hindi buntis? Pagiging buntis lang ba ang reason ng pagpapakasal?”

“Puwede bang love na lang & wag munang nega.”

“Bes, Born again yan si Moira and Kachurch ko. And we value purity above anything else. Kaya i can assure you! Its a No!”

“billowy ang dress at mahangin. Observe muna other­ reasons before jumping to malicious conclusions.”

Pero karamihan naman ay nag-congrats kina Moira at Jason. .

Mababasa naman sa Ins­tagram Account ni Jason :@jasonmarvinph, “All my life I’ve been searching for “the one”, not knowing that she’s been my bestfriend all along. I love you forever my @moirarachelle”

Talbog!

Anne Villegas naglunsad ng 20 LOL Talent

Nagtayo na rin ng talent agency ang aktres na si Anne Villegas bukod sa pagigin­g stage director at acting coach sa workshops sa GMA network.

Ito’y ang Light of Life (LOL) Talent Management. Karamihan sa kanila ay lumalabas na sa ilang serye ng GMA-7 at ABS-CBN, ma­ging sa mga teatro at pelikula. Sumabak na rin sila sa ilang commercial.

Inilunsad kamakailan ang 20 LOL talents sa pamamagitan ng musical show na ginanap sa Wilcon Mall sa QC.

Kumanta, rumampa at sumayaw ang mga talent niyang sina Sandy Talag, Judy dela Cruz, Christine Joy de Guzman, Rona dela Rama, Paulyn del Rosario, Kimshie Añonuevo, Kristine Abbey, Yasmine Grace Arim, Kariz Espinosa, Keahnna Llanoze, Daniela Emilio at Angela Palomares (girls).

Kumpleto rin ang kanyang mga talents na lalaki na sina Ranty Portento, Christian Tan, Dominic Ramos, Luigi Alfonso, Raven Nepumuceno, John Philip Koch, Angelo Matute at Benjamin Ardrich Reta.

Pagkatapos ng show ay nagkaroon ng contract signin­g na ay aalagaan sila sa loob ng tatlong taon

May acting coach, dance coach, modelling coach at voice coach na nag-aalaga sa mga Light of Life talents. Lahat sila, nag-aaral kahit may mga TV guestings at pelikula.