Mommy Dionisia, ilulunsad sa WONDER BRA!

dionesia-pacquiao

KASAMA si Mommy Dionisia Pacquiao sa pelikulang Tatlong Bibe, pero wala ito sa presscon ng movie kahapon.

Biro ni Direk Joven Tan, magkakaroon ng sariling presscon si Mommy D na sa GenSan gaganapin.

Kakaibang Mommy Dionisia ang mapapanood sa pelikula dahil imbes na nagko-comedy ay magda-drama si Mommy D.

Kapitbahay ng tatlong bidang bagets na sina Raikko Mateo, Marco Masa at Lyca Gairanod ang role ni Mommy D na asawa ni Eddie Garcia.

Sey ni Direk Joven, nakipagsabayan kay Eddie Garcia ang madir ni Manny Pacquiao.

Hindi niya alam kung nag-acting workshop ba ito, pero nakukuha raw sa tiyagaan.

In fairness ay wala raw arte sa shooting si Mommy D, pero lagi itong may kasamang dalawang bodyguards sa set.

Sumasama rin ang boyfriend nito sa shooting.

Maraming fans ang karakter na ina ni Pacman lalo na sa bayan nila sa GenSan kaya marami raw block screenings doon ang Tatlong Bibe.

Pupunta ng Manila si Mommy D para dumalo sa premiere night ng movie sa February 13 sa SM Megamall.

May dahilan kung bakit hindi ginamit ni Direk Joven ang pagiging natural na komedyana ni Mommy D.

Balak kasi itong bigyan ng sariling movie ng Regis Films & Entertainment na producer ng Tatlong Bibe.

Ang idea na naisip ni Direk Joven ay may tentative title na Lady D and the Wonder Bra.

Fantasy-comedy ito na nagta-transform si Mommy D kapag sinusuot ang wonder bra. Nag-iiba ang mukha nito, pero ang boses ay ganu’n pa rin.

So, iba-iba ang gaganap ‘pag nag-transform ito. Si Direk Joven ang susulat at magdidirek nito.

Pumayag na in principle si Mommy D, pero hindi pa nito alam ang istorya at iba pang detalye.

Ang magiging leading man ay depende sa budget, pero ang gusto ni Direk Joven ay si Derek Ramsay, na feeling niya ay magugustuhan din ni Mommy D, kaya sana raw ay matuloy.

Bago ‘yon ay Tatlong Bibe muna na sa March 1 ang showing. Kasama rin sa cast nito sina Edgar Allan Guzman, Rita Avila, Luis Alandy, Sharlene San Pedro, JK Labajo, atbp.