Pasado sa 2018 bar exam
Hindi magkandatuto sa pag-address ang mga netizen sa pagkakapasa sa bar exam ng isang inang doktora na tubong Obando, Bulacan.
Ito ay makaraang mapasama sa talaan ng may 1,800 exa-minees na nakapasa sa 2018 Bar examinations ang isang medical doctor.
Nabatid na hindi maintindihang kasiyahan ang naramdaman ni Dr. Jean Joan D. Polido ng malaman na nakapasa siya sa bar exam.
Ayon kay Polido, bata pa siya ay pangarap na talaga niyang maging abogado pero gusto ng kanyang mga magulang na maging doktor siya kaya napilitan siyang mag-aral ng medisina.
Nagtapos si Polido ng medicine sa University of Santo Tomas, na isang cum laude at pumasa sa licensure examination noonf Agosto 2011.
Sa kabila na isang ganap ng doktor ay hindi pa rin naalis sa kanyang isip na magjng isang abogado kaya ipinasiya niyang mag-enrol sa Arellano University School of Law.
Hindi naging madali kay Polido ang mag-aral ng law hanggang matapos niya ang kanyang degree sa tulong ng kanyang supportive na asawa, anak ,magulang at mga kapatid. (Juliet de Loza-Cudia)