TOTOO kayang malapit nang ilabas ang listahan ng mga taga-showbiz na involved sa droga?
May mga nagpaparating sa amin ng mga pangalan at nakakagimbal dahil malalaking pangalan ang iba.
Kaya ang ibang artistang natsitsismis ay inunahan na ng drug test.
Kaugnay sa isyung ito, isang actress/TV host ang nag-aalala dahil ginamit itong Anti-drug campaign ni Pres. Rodrigo Duterte na panakot ng dating asawa niya.
Hindi maganda ang pakikipaghiwalay ni actress/TV host sa kanyang asawa.
Umabot sila sa demandahan at ang pagkakaalam namin, humiling na si actress/TV host sa korte ng Temporary Protection Order para hindi na siya ma-harass ng estranged husband.
Inaayos ang divorce nila dahil sa ibang bansa sila nagpakasal, gawa ng may lahing banyaga si actress/TV host.
Hindi maganda ang pag-aayos ng hiwalayan dahil sa hindi pa rin matanggap ng asawa na hiniwalayan siya ni actress/TV host.
Dinidedma na siya ngayon ni actress/TV host kaya ang ginagamit naman ngayon ng asawa ay ang Mommy niya.
Nang maghiwalay sila, pinapunta rito ni aktres ang Mommy niya para samahan siya.
Pero namumroblema sila dahil panay ang tawag ng asawa niya na isinumbong na raw sila sa Bureau of Immigration para mapa-deport silang mag-ina.
Inisyuhan ni asawa ang Mommy ni aktres na courier daw ito ng drugs.
May dala raw itong drugs kapag pumupunta rito ng bansa.
Kaya nag-aalala ngayon si actress/TV host kung ano ang gagawin niya dahil ang Mommy na niya ang dinadamay.
Maayos daw siyang nagtatrabaho rito at sinasamahan lang siya ng Mommy, tapos gagawan pa raw ng ganung isyu.
Gusto nang magsalita ni actress/TV host tungkol sa pangha-harass ng asawa pero may gag order daw sila.
Naghihintay lang daw siya ng payo ng abugado niya kung ano ang mabuting gawin at kung kailan na siya puwedeng magsalita dahil gusto na raw niyang ibunyag ang mga pangha-harass ng asawa niya.