NAKATAWAG-PANSIN sa diva that you love ang isang post ni former Hindi Ako Si Darna Ms. Jeni­ne Desiderio.

Ang dramarama ng mommie dearest ni Janella Salvador, “Attention: can all of you please stop giving Janella live pets/animals as gifts because she DOES NOT perso­nally take care of them?

“The unwelcome resposibility of taking care of them ends up on our unwilling laps. So please…. I love animals but I can’t take care of so much.

“This is also one of the reasons our helpers don’t last long. Again, please.

“I miss living in a house that smells good, not taken over by animals taken for granted by an irresponsible, busy owner.”

Parang mainit yata ang ulo ni Ms. Jenine, huh?!

Hindi kaya ang dahilan kaya nagdadabog ang bangs niya ay dahil shortened at magtatapos na ang Born For You serye ni little Ms. Janella?

Kawawa naman si Salvador, mismong nanay niya pa ay may payanig na “taken for granted by a an irresponsible, busy owner” ang kanyang kariktan.

Mas dobleng kawawa ang furry friends ni Janella. Ano ba sila, puppies or pussies?

Ms. Jenine, wagas na wagas ang hanash mo sa pets na walang malay. Ang solusyon diyan eh huwag nilang tanggapin ang live animals, hindi ba?

O kaya, agad-agad, return to sender?

Or para mahalin ka of the people from PETA, ano ba namang give them as gifts sa friends mo na rich & famous, na malalaki ang lawns, may chance na may lanai at lalong may chance na may appropriate quarters for new pets?

Nagme-melt pa naman ang puso of the affluent when they see a lovable puppy or a malam­bing na pussy na in a basket sent as a gift.

Ang nakakaloka sa emotada encarnacion ni Ms. Jenine, gusto mo pala ng bahay na walang lingering amoy of household pets, how true kaya ang chika na in your not so palatial abode eh matagal na raw kayong may mga pusa, as in maraming mababalahibong pusa.

At how true rin na matagal na ring may smell na ‘di kaaya-aya ang bahay?

Kasi nga, imposibleng may alaga kang mga pusa at hindi mag-spread ang aroma nila sa inyong bahay kasi assaulting to the senses ang baho ng urine of pussies kahit pa sabihing may cat litter boxes ka.

Dear readers, ano sa tingin ninyo ang solusyon para sa pussy problems ni Ms. Jenine?

Mukhang super call na ito for SOS kaya may-I-post niya sa social media ang tungkol sa mga pussies and other pets na dumadating sa household niya.

Parang ang problem ni Ms. Jenine, ang ka-level ay ang alarming rise of the global temperature kaya salitan lang ang El Niño at La Niña.

Ka­lurks!

One Response